Share This:

EDSA 1 veteran to Jim Paredes: Noong kaharap natin ang mga sundalo noon sa EDSA, minaliit ba tayo? Ininsulto ba tayo?

An open letter addressed to Jim Paredes following the infamous Edsa Shrine bullying against  members of Duterte Youth group circulates online.

The author is also a veteran of the EDSA People Power 1 and 2, like Jim Paredes and based on the open letter, they know each other since their activist days.

The author says that he is unhappy how Jim gave those Duterte supporters a dressing down for expressing their political beliefs which ironically, the very same right that they fought for 31 years ago.

He asked Jim if what he did was right? Did the soldiers loyal to Marcos they faced in EDSA 31 years ago ever belittle them? Or insult them?

He reminded Jim that he is getting older and many people looked up to him because his songs opened the hearts and minds of many Filipinos, including the author. He asked Jim what happened? What’s the hate against Duterte? He asked if this is the same in the early days of the Pnoy presidency wherein Jim got angry at Pnoy for not appointing him to a government position despite being one of the people who pushed him to run for the presidency? He asked if helping a politician means expecting a position in return?

The author said he refused to think that LP’s hatred against Duterte is the result of losing their grip of power. It’s sad to think that when LP was in power, they think they have the monopoly of being righteous morally and legally. He cited Drilon who told the police to respect that the senate and not arrest de Lima inside the senate building. The author said he agrees with Drilon but smells double standard when Drilon arrested Enrile using made up charges of rebellion when he was Cory’s DOJ Secretary; another example of LP double standard was when PGMA was stopped from leaving the country despite an existing TRO from no less that Supreme Court.

The author also expressed his admiration for Jim and the priests for fighting for the living but he is puzzled why when someone is killed related to the illegal drug trade, they always blamed Duterte. And when a heinous crime committed by an addict, the Catholic church leaders and Jim’s friends are silent on the issue. Pnoy did not even mention the illegal drug trade in his SONA speeches.

The author said that he will pray for Jim and his friends to learn humility and accept that the majority have spoken; the people are now awaken from the oppressive and the trickeries of Jim’s kind. He also said that the masa have wised up to the sweet tongues of the LP politicians while mired in poverty and fallen victims to the pervasive criminality. He said the days of the oligarchs are over. The small people that they had oppressed have found a champion in Duterte.

This is what the ordinary Filipinos 31 years ago had fought for. But sadly when Cory and Pnoy’s 12 years of presidency were weighed and measured, the people found them wanting.

The author challenged Jim Paredes to a debate and he will answer him point by point. Jim can choose the time and date and he can ask his oligarch friends who controls Philippine media to give them an airtime for the debate.

He ended the post by parting with a reminder to Jim Paredes that despite their differences they should continue fighting and defending for the freedom of every Filipinos which he said is the spirit of EDSA. If this has changed, the author said perhaps he could no longer understand them.

Check full text of the open letter below.

Bukas na Liham kay Jim Paredes

Kababayang Jim:

Sana mapayapa ang naging tulog mo at magiging mga pagtulog mo sa mga susunod pa na mga gabing magdadaan sa buhay mo. Di man ako natuwa sa ginawa mong panenermon sa mga kabataang ipinaglaban natin ang kalayaan nila at kinabukasan 31 taon na ang nakalipas dyan mismo sa kinatatayuan mo sa EDSA, ipaglalaban ko at tatayaan ko ng aking buhay ang karapatan mo na sabihin ang gusto mo sabihin. Ganun din para sa mga kabataang nagpapahayag din ng kanilang damdamin sa EDSA na iyong mininaliit, tinawaran ang pang unawa at ininsulto.

Tanong ko lang, tama ba ang ginawa mo? Noong kaharap natin ang mga sundalo noon sa EDSA na kakampi ng pamahalaan, minaliit ba tayo? Tianawaran ba ang ating pang unawa sa sitwasyon? Ininsulto ba tayo?

Jim may edad kana at minsang tiningala ng mga kababayan nating Pilipino. Pinukaw ng mga awitin ninyo ang kaisipan at damdamin ng mga Pilipino, kasama na ako. Ano ang nangyare? Ano ba galet mo kay Pangulong Duterte? Tulad din ba yon noong unang mga araw ni Pangulong PNoy na galit kayo dahil di pa kayo binibigyan ng pwesto sa kabila ng inyong pangunguna na itulak si Noynoy na tumakbo sa pagkapanalo? Kailangan ba pag tumulong ka sa pulitiko at manalo bigyan ka ng posisyon?

Ayaw ko isipin na ang galit ninyo ay nagmumula sa naudlot ninyong pagpapasasa sa kapangyarihan. Kakalungkot din na sa pananatili ninyo sa kapangyarihan kayo na ang may monopolya ng tama, moral at legal. Tulad ng kasamahan ninyo na si Sen. Drilon. Sabi nya dapat igalang ang senado at wag arestuhin si Sen. Delima sa loob nito. Sang-ayon ako, pero teka, diba si Sen. Drilon ang Justice Secretary noon ni Cory noong arestuhin si Sen. Enrile sa kasong imbensyon nya: rebellion with murder and frustrated murder sa loob mismo ng Senado? Diba si Sen. De Lima ang justice secretary noong pinigilan si PGMA na umalis upang magpagamot sa kabila ng lahat na may TRO ang supreme court?

Pinupuri ko ang inyong pagtatanggol sa buhay kasama na ang mga pari. Ang di ko maintindihan, bakit lahat ng nangyayari na patayan na may kaugnayan sa illegal na droga ay isinisisi ninyo agad kay pangulong duterte? Bakit tahimik kayo at simbahan sa mga kahindikhindik na krimen na may kinalamam sa droga? Bakit noong kayo pa ang nasa kapangyarihan ay di man lang nabanggit ni PNoy ang illegal na droga sa kanyang mga SONA?

Dalangin ko na sana magkaroon kayo ng kababaang loob na tanggapin na namili na ang taong bayan. Nagising na sila sa panloloko ng mga kauri ninyong mapang-api at mapangimbabaw. Sawa na ang mga manamayan sa inyong matatamis at banal banalang salita habang sila ay hibahampas ng kahirapan at araw araw na dinadagukan ng mga krimen sa lipunan. Tapos na ang mga araw ng mga oligarchs.

Nakakita na ng kampeon ang mga maliliit na manamayang pilipino na inyong inapi. Ganito rin noon ang hinahanap ng mga taong maliit na pumunta sa EDSA 31 na taon na. Subalit, masakit man sabihin, tinimbang ang 6 years ni cory at 6 years ni PNoy bilang pangulo at parehas kulang.

Kaya sa susunod G. Jim Paredes, wag mga bata. Kung gusto mo ng debate sa mga isyu mag request ka sa mga kakampi at kakulay mo na media na pag aari ng mga oligarchs na bias para sa inyo ng isang paghaharap on air handa ako para harapin ka at makipagtalastasan punto por punto sa mga isyu. Wag mga bata ang singhalan mo. Hanap ka ng katapat mo!

Ganun pa man, patuloy ko kayong ipagdarasal na sana ay buksan ng Diyos ang inyong puso at isipan. Maaaring hindi tayo maging magkasama sa isang pananaw at paniniwala, pero dapat ipagtanggol natin at ilaban ang karapatan ng bawat isa na magpahayag ng kanyang saloobin. Diba ito ang diwa ng EDSA: kalayaan at katarungan? Kung naiba na ito, baka di ko nga kayo maintindihan.

The post EDSA 1 veteran to Jim Paredes: Noong kaharap natin ang mga sundalo noon sa EDSA, minaliit ba tayo? Ininsulto ba tayo? appeared first on Pinoy Trending News.


Source: Pinoy Trending News
EDSA 1 veteran to Jim Paredes: Noong kaharap natin ang mga sundalo noon sa EDSA, minaliit ba tayo? Ininsulto ba tayo?

Share This:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...