Share This:

Here’s the real score behind long queues in immigration counters in NAIA according to anonymous insider

The long queues in NAIA immigration counters has been reduced by mainstream media as a mere row over “overtime pay” between Duterte and some BI employees.

Listen to the video courtesy of ABS-CBN news and take note how Ces Drilon framed her question to the field reporter making it appear that the long queues in NAIA’s immigration counters is due to lack of funds for the “overtime pay” of disgruntled BI employees.

A letter sent by an anonymous source to Fiscal Darwin Canete shows otherwise. Please read the full text of the letter below.

“From my inbox….on the DBM versus Immigration issue:

ANO BA ANG TOTOONG KWENTO SA MAHABANG PILA SA AIRPORT IMMIGRATION COUNTERS?

MARAMI ANG DI UMANO AY NAGRI-RESIGN AT NAGLI-LEAVE OF ABSENCE DAHIL DAW HINDI SILA NABABAYARAN NG OVERTIME PAY?

WALA PONG KATOTOHANAN ANG BINTANG NA ITO.

HINDI PO TALAGA OVERTIME PAY ANG HINAHABOL NG MGA KAWANI NG BUREAU OF IMMIGRATION (BI).

TATLONG SHIFT PO NA TIG-WALONG ORAS ANG DUTY NG MGA IMMIGRATION OFFICERS SA AIRPORT KAYA PAPAANO PO SILA MAKAKAPAG-OVERTIME? GANOON DIN SA HEAD OFFICE, 8AM HANGGANG 5PM PO ANG TRABAHO NG MGA KAWANI. KUNG MERON MAN PO NA MAG-OVERTIME, BIBIHIRA PO ITO AT SANDALI LAMANG.

SO, ANO PO BA ANG HINAHABOL NILA?

ANG GUSTO PO NILA AY PATULOY NILANG MAGAMIT ANG EXPRESS LANE FEES NA NAKU-KOLEKTA NG BI MULA SA MGA BANYAGA O FOREIGNERS NA NAGPAPA-PROCESS NG SARI-SARING APPLICATIONS SA BI TULAD NG ACR, VISA EXTENSION ETC. UPANG MATUSTUSAN ANG ILANG BENEPISYO.

ANU-ANO PO ANG MGA IYON?

UNA PO AY ANG PANG-SAHOD SA MGA KAWANING TINATAWAG NA JOB ORDERS (JOs) AT CONFIDENTIAL AGENTS NA KANILANG ITINALAGA SA MGA AIRPORT AT SA HEAD OFFICE DAHIL UMANO SA KAKULANGAN NG MGA EMPLEYADO.

ANG MGA JOs AT CONFIDENTIAL AGENTS PO AY HINDI MGA REGULAR NA EMPLEYADO NA WALA KAILANMAN NA EMPLOYER-EMPLOYEE RELATIONSHIP SA BI. SAMAKATUWID, WALA PO SILANG ACCOUNTABILITY. NAPAKARAMI PO NILA SA BI AT KADALASAN SILA PO ANG NAKASALANG SA MGA IMMIGRATION COUNTERS NG AIRPORT.

HIGIT SA LAHAT, HINAHANGAD NG KANILANG MGA REGULAR NA KAWANI ANG NAPAKALAKING DAGDAG NA SAHOD O AUGMENTATION NG SWELDO NA KATUMBAS NG 300 HANGGANG 500 PORSIENTO NG KANILANG MGA SAHOD NA SA BUONG BURUKRASYA NG PILIPINAS AY SILA LAMANG ANG NAG I-ENJOY.

EH, BAKIT PO SILA HINDI MA-REGULARIZE?

MARAMI NA PONG REGULAR PLANTILLA POSITIONS ANG BINUO NG DBM PARA PUNUAN NILA. NGUNIT HINDI NILA ITO MAGAWA, MARAHIL SA PANGAMBANG MAPAPASAILALIM SILA SA MGA QUALIFICATIONS NG ISANG CIVIL SERVANT NA KAILANGAN NILANG IPASA TULAD NG CIVIL SERVICE ELIGIBILITY EXAM. KAYA HANGGANG NGAYON AY MARAMI SA KANILA ANG JOs AT CONFIDENTIAL AGENTS LAMANG NA TUMATANGGAP NG ILANG PATONG NA MAS MATAAS PA SA SAHOD NG MGA REGULAR NA KAWANI KUMPARA SA IBANG AHENSYA NG GOBYERNO.

BAKIT PO TINANGGAL SA BI ANG PAGGAMIT NG EXPRESS LANE FEES NA ITO?

ANG EXPRESS LANE FEES NA ITO AY TINUTURING NA INCOME NA AYON NAMAN SA BATAS AY DAPAT MA-REMIT SA BUREAU OF TREASURY UPANG ANG KONGRESO ANG SIYANG MAG-APPROPRIATE, YUN PO ANG SINASABI NG BATAS. PERO DAHIL TAON-TAON, NAILA-LOBBY NG MGA TAGA-BI SA KONGRESO NA MAISINGIT SA GAA O BUDGET NG PILIPINAS SA TULONG NG KANILANG MGA KAIBIGANG MAMBABATAS ANG TINATAWAG NA SPECIAL PROVISION NA NAGPAPAHINTULOT SA BI NA GAMITIN ANG EXPRESS LANE FEES NA ITO, NAHAHAWAKAN AT NAGAGALAW NILA ITO UPANG PALAKIHIN ANG KANILANG MGA TAKE HOME PAY NG HIGIT SA 300 PORSYENTO SA PAMAMAGITAN NG PORMULA NA SILA LANG ANG NAKAKAALAM KUNG PAANO.

30 YEARS NA PO NILA GINAGAWA ITO, MERON O WALA MANG SPECIAL PROVISION SA BUDGET. KUNG WALA ANG SPECIAL PROVISION, HINDI PO NILA MAGAGAWA ANG GANITONG BAGAY DAHIL MAGIGING ILEGAL ANG PAG-APPROPRIATE NG EXPRESS LANES FEES. KAHIT NOONG INILAGAY ANG SPECIAL PROVISION, ITO AY DAPAT GINAMIT SA TAMANG PARAAN. HALIMBAWA, OT PAY PARA SA TOTOONG SERBISYO NA OVERTIME AT ALINSUNOD SA TAMANG RATES. PERO HINDI RIN NILA ITO TINUPAD.

ILANG ULIT NG TINANGKA NG PAMAHALAAN SA MGA NAKALIPAS NA ADMINISTRASYON NA BAGUHIN O ALISIN ANG KALAKARAN NA ITO NGUNIT WALANG NAGKALAKAS NG LOOB O NAGPAKITA NG POLITICAL WILL DAHIL ANG PANAKOT NG BI AY MAPA-PARALYZE DAW ANG OPERASYON SA MGA AIRPORT PAG TINANGGAL ITO.

HINDI PO NAKAKAGULAT NA SA 2017 GAA, NA-VETO NG PANGULO ANG SPECIAL PROVISION NA MULING NAISINGIT SA BUDGET DAHIL HINDI NA PO MAKATUWIRAN O MAKATARUNGAN ANG PRACTICE NA ITO.

NAGDAGDAG ANG DBM NG 700 BAGONG POSISYON UPANG MA-CONVERT SA REGULAR MULA NOONG 2012 HANGGANG 2015 YUNG MGA JOs AT CONFIDENTIAL AGENTS. AT NAGDAGDAG NG 240 MILYONG PISO SA BUDGET NG BI UPANG GUGULIN SA PAMBAYAD NG OVERTIME NG MGA KAWANI. DITO PA LAMANG MAKIKITA NA HINDI KAILANGAN ANG PAGGAMIT NG BI NG EXPRESS LANE FEES.

NITONG NAKARAANG LINGGO LAMANG, NAGDAGDAG PA ULIT NG HALOS 900 BAGONG POSISYON ANG DBM UPANG MAKAPAGDAGDAG ANG BI NG MGA REGULAR NA KAWANI BILANG TUGON SA PANAWAGAN NILA NA MAGDAGDAG PA NG REGULAR NA KAWANI.

NGAYON BATID NA PO NATIN NA HINDI NILA GUSTO ANG MGA GANITONG HAKBANG NG PAMAHALAAN. NGAYON NAKITA NA RIN PO NATIN ANG KATUPARAN NG PARALYZATION SA AIRPORT NA SINASABI NILA. ISA LAMANG PO ANG GUSTO NILANG PATUNAYAN – NA KAYA NILANG I-PARALYZE ANG AIRPORT KAPAG HINDI BINAWI NG PANGULO ANG PAG-VETO NG SPECIAL PROVISION SA BUDGET.

INALIS PO NG PANGULO ANG GANITONG MALING PROVISION SA BUDGET UPANG ITUWID ANG MATAGAL NG MALI, UPANG IPATUPAD ANG PANGAKO NIYANG PAGBABAGO. ITO PO AY ISANG MALAKING PAGBABAGO NA DAPAT NATING SUPORTAHAN.

KUNG KAILANGAN PO NATIN NG PAGBABAGO, LABANAN PO NATIN ANG MALINAW NA PANGHO-HOSTAGE SA GOBYERNO NG IILANG KAWANI NA MATAGAL NG NAG I-ENJOY SA MALING KALAKARAN.

MINSAN LANG PO ANG MALAGAY TAYO SA MAHABANG PILA O PAGHIHINTAY SA AIRPORT, KUNG ITO NAMAN PO AY MAKAKATULONG UPANG PAIRALIN ANG MALAKI AT TAMANG PAGBABAGO. PANINDIGAN PO NATIN ANG PAGBABAGONG ITO AT HUWAG MAGPADALA SA DRAMA NA IPINAPALABAS NG BI.

HINDI PO NAGKULANG ANG GOBYERNO. ITINATAMA LAMANG PO NG GOBYERNO ANG MATAGAL NG HINDI PATAS NA BENEPISYO NA INI-ENJOY NG MGA KAWANI NG BI, GAYONG ANG IBANG KAWANI SA IBANG AHENSYA NG PAMAHALAAN AY SUMASAILALIM SA SALARY STANDARDIZATION LAW.

SUPORTAHAN ANG TAMANG PAGBABAGO.
YAN PO ANG TOTOONG KWENTO.”

As of this writing, the post has gathered 726 shares, 1800 reactions and 154 comments on Facebook.

The post Here’s the real score behind long queues in immigration counters in NAIA according to anonymous insider appeared first on Pinoy Trending News.


Source: Pinoy Trending News
Here’s the real score behind long queues in immigration counters in NAIA according to anonymous insider

Share This:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...