Share This:

Viral post warns female mountain climbers planning to climb Mt. Maculot to stay away from this MANIAC tour guide

Mountain climbing is not for everyone. It requires physical and mental toughness to successfully scale a mountain.

For first timers, it is best to hook up with a mountaineering group. For sure, you can find groups willing to show you the ropes. This is for your personal safety.

If you want to climb a mountain with your friends, all first-timers, make sure to do your research well when choosing your guide.

The viral Facebook post of netizen Jeyn Chua who recently climbed Maculot in Batangas should serve as a warning to any newbie climbers. Please read the full text of the post below for your guidance.

Medyo mahaba ang post na ‘to pero please read! THIS IS WARNING/REMINDERS PARA SA LAHAT NG FIRST TIMER NA GUSTO UMAKYAT SA MT. MACULOT! AT IBA PANG HIKERS NA BABAE MAPA-FIRST TIMER OR HINDI. WE & I DON’T POST THIS JUST FOR SYMPATHY, I RISK MY OWN DIGNITY TO SHARE THIS TO REMIND WOMEN.

This time hindi po muna hugot at joke ang ipo-post ko. Masyadong sensitibo ang pangyayari. Nu’ng sat. May 6, 2017 nag night trek kami sa Mt. Maculot, may napag canvass-san kami na guide ng rockies na matatawaran pero ‘di namin tinuloy dahil may kasamahan kami na nakakuha ng 1k grotto to rockies to morning descent. (Guide ng grotto) Nakapag start trek kami 10pm na dahil sa late kami nakabyahe. Sabi ng guide sa grotto daw kami dumaan dahil bawal na daw umakyat sa rockies ng 10pm. Nakarating kami sa grotto 1am at 2am tapos na kami mag hapunan lahat, nag kwentuhan saglit sa iisang tent. Apat na lalaki at anim na babae kami total of 10 kami. Yung guide malayo sa’min du’n siya nag stay sa kabilang tindahan. Hanggang sa 3am na nag decide na ang mga guys bumalik sa tent nila dahil awkward kung dun sila makisali sa malaking tent ng mga babae (animan kasi yung tent). Yung guide namin, pumasok sa tent ng babae mga 4am tulog na ang isang babaeng kasama namin at gising pa ang iba, nakipag kwentuhan lang siya kaya akala namin okay lang kasi nag e-entertain siya, hanggang sa nakatulog na ang mga babae. At du’n na niya nagawa ang binabalak niya. Yung isang kasama naming babae na una nakatulog bago pa pumasok ang guide, nakatalikod habang tulog at kinumutan niya sabay niyakap niya mahigpit na parang jowa niya at hinahawakan at hinihimas, hanggang sa nagising yung kasama namin umusog siya para lumayo pero hinatak ulit siya pabalik sa bisig nung guide at sa pagkakahiga hanggang sa tuluyan siyang gumising at umupo dahil nagulat na talaga sa pangyayari pero hinihipuan pa rin siya ng guide kaya kinalabit niya ng paa yung isang kasama naming babae para gumising at mag pasama siya lumabas ng tent dahil umiiyak na siya sa takot, naiwan ang isang babae sa tent at du’n na nag masturabate yung guide at hindi manlang pinunasan ang katas niya sa loob ng tent namin.

Kung tatanong niyo bakit hinayaan pumasok ang guide, bata po kasi ang nag papasok sa kanya kinakausap niya sa loob ng tent at tulog na ang adults. Kung tatanong niyo ba’t iniwan yung isang babae sa tent, nataranta na po at hindi naman alam nung ginising na minanyak yung nag papasama sa kanya, nalaman na lang nu’ng lumabas na ‘tsaka binalikan yung isang babaeng naiwan para gisingin pero du’n nakita na nag ma-masturbate ang guide. Hindi naman ginalaw ng guide yung naiwan sa loob ng tent or ibang babae kaya naisip namin na baka yung biktima lang talaga ang pakay niya. Kung sasabihin niyo ba’t di sumigaw ang babae, madali lang sabihin pero pag naunahan na ng takot, hindi mo na alam gagaw’in mo. Kung tatanong niyo ba’t ‘di sinapak ng mga lalaki, naalala namin na may kasamahan siyang lalaki na sumundo sa’min sa baba naka motor at may sumpak, nag parinig na rin yung tricycle driver na nag hatid sa’min sa brgy. na mag ingat kami sa guide namin pero dahil hinatid kami sa brgy. naisip namin legit yung guide kaya pinabayaan na lang namin. Napag desisyunan namin lahat na mag kunwaring walang nangyari hanggang makababa kami para mag sumbong dahil ‘di na rin namin alam paano gagawin dahil baka masumpak kami pababa.
Swerte pa rin na yung tindahan na katapat ng tent namin kagawad ang asawa, tinulungan niya kami na mag sumbong sa brgy. siya nag asikaso sa’min mula gabi hanggang umaga.

Nu’ng nakapag sumbong na kami sa brgy. kaya pala pa-easy easy lang yung guide na parang walang nangyari habang kausap ang isa pang guide, narinig ko ang pinag uusapan nila WALA YUN, SABI SA’YO EH. Yun pala nakatimbre na sa brgy. abswelto siya suspend lang binigay sa kanya ni hindi kami pinabalik ng kapitan sa brgy. nila para harapan mag reklamo at ang sabi lang sila na bahala. RUSTOM ang narinig namin na pangalan niya pero ang sabi ng guide na naka usap namin TOMTOM CHONGPICO ang name niya.

Tumatawag ang ibang opisyal ng Maculot sa’amin para mag imbestiga at iba ang kwento sa kanila, NAG IINUMAN DAW KAMI KASAMA ANG MGA LALAKI. Wala pong umiinom sa’min at wala po kaming dalang alak kaya sabi ko kahit tanungin nila si Nanay sa tindahan na nag asikaso sa’min 2am kumain lang kami. Du’n lang din namin napag alaman na pwede pa lang umakyat sa Rockies anytime pero sa grotto niya kami pinadaan dahil du’n walang nag camp. Solo namin buong lugar bukod sa mga tindahan.

WALANG BABAENG MAG LALAKAS NG LOOB GUMAWA NG KWENTO NA TINANGKA SIYA GAHASIN, DIGNIDAD NIYA ANG NAKA SANGLA SA PAG CLAIM NU’N. Tanggap namin na nag karoon ng pag kukulang, but we have reasons. Hindi kami expert sa bundok, takot kami dahil dayo lang kami du’n. ‘Di namin alam sino pag titiwalaan. Bago kami mag sumbong sa kagawad nag dahan-dahan muna kami dahil baka close niya yung guide. Kung sasaktan namin yung guide paano kami makakababa? Pwede bang mag pasama kami sa guide papunta ng brgy. para isumbong sarili niya? We heared pamangkin siya ng kapitan sa brgy. (but we are not sure about this) We & I will not give further information. Hindi ko or hindi namin nilalahat ng guide sa mga bundok or guide ng Maculot. Marami pang matitino. Pero sa inspection ko while trekking yung guide namin may kinakausap na isa pang guide nung papunta kami ng Rockies at narinig ko mismo ang sinabi na WALA YUN, SABI SA’YO EH (habang ngumingisi) nag katinginan pa kaming tatlo nun. So how can we trust other guides? ‘Di na namin alam sino ang kakampi at totoong makakatulong. Hanggang sa nakababa kami para mag linis, tumawag ang baranggay at sabi hindi na namin kailangan pumunta sa brgy. dahil sila na daw bahala. Sabi ko sa grupo ko SABI NA EH INAASAHAN KO NA YAN KASI NARINIG KO SA USAPAN NG GUIDE NATIN AT ISANG GUIDE. Tapos malalaman namin sa text nung guide suspend lang siya? Hindi na talaga namin alam sino pag titiwalaan dahil ni hindi kami ni-rescue ng brgy. or pinuntahan sa taas or dakipin ang guide.

Sa imbestigasyon namin ng grupo, tinanong namin saan nakuha nung babae yung guide na yun, sa Climber group daw. Panay aya na daw sa kanya nun sa Maculot hanggang sa nakapag maculot na nga at siya na ang kinuhang guide dahil 1k offer niya. Sa tingin namin (sa realization lang) may plano na talaga at pagnanasa yung guide sa babae dahil lagi siya inaaya sa Maculot at du’n pa kami sa Grotto pinadaan at sinabing bawal sa Rockies pag gabi.

Mag ingat po sana tayo sa taong yan lalo sa mga first timer, remind lang para ‘di na mangyari ulit. Salamat! As much as possible guide ng Rockies ang kuhanin niyo dahil sa pag kaka-kita ko at sa pag uusap usap ng guide ng grotto dun sa lalaking yan manyak sa wala silang mga disiplina pati kaming mga client tinatalo nila at niyayabangan.

Initially, the guide denied any wrongdoing. He even wrote something on a Facebook group for mountain climbers urging netizens not to believe anything said against him.

However, this is different when he was confronted by his victim over SMS.

As of this writing, the post has gathered 4,105 shares, 5,890 reactions and 13 comments.

Your reaction, please!

The post Viral post warns female mountain climbers planning to climb Mt. Maculot to stay away from this MANIAC tour guide appeared first on Pinoy Trending News.


Source: Pinoy Trending News
Viral post warns female mountain climbers planning to climb Mt. Maculot to stay away from this MANIAC tour guide

Share This:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...